From: ABC
To: eiea
i always think about u every fucking single day and i hate it. i hate the way u hurt me but at the same time i do still love u.
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
ik hindi mo naman din βto mababasa kaya dito ko na lang sasabihin mga nararamdaman ko sayo. lagi akong minumulto ng mga alaala mo kada matutulog ako. ikaw lagi nasa panaginip ko. ang sakit lang isipin na bakit ganon, nagawa mong saktan ako nang walang pag da-dalawang isip. naisip mo ba ni minsan yung mararamdaman ko nung mga oras na ginawa mo yung mga bagay na alam mong ikakasakit ko? kasi putangina ang sakit, kasi ngayon gets ko na kung bakit ganon eh. gets ko nang nawawala sa isip mo na mahal mo ko kahit na sinasabi mong mahal na mahal mo ko pero bakit ganito, bakit ganun yung pagmamahal na natanggap ko, masakit. sobrang sakit.
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
tangina ikaw pa rin talaga yung mahal ko. kada may mga bagay na makakapag-alala saken about sayo, ramdam ko yung sakit. alam mo at alam nating dalawa kung ano sa feeling yun βdi ba? yung mararamdaman mong may paghigpit sa puso mo ganon. at may mga bagay pa rin na hindi ko sayo nasabi habang tayo pa, hindi pa rin ako okay at totally healed sa mga times na niloko mo ko. alam naten na mali yung ginawa mo pero ngayon na alam ko na rin kung bakit mo naiisip na may rason naman kung bakit mo nagawa yun at okay lang din para sayo eh dahil din saken, tinolerate kita sa gawain mong yun. hindi sa way na panloloko mo kundi sa way na tinanggap nang tinanggap pa rin kita sakabila ng lahat kahit ikakasira ng sarili ko. mas pinili kong mahalin ka kaysa piliin na mahalin yung sarili ko. kaya dahil don at naintindihan ko na talagang nawala respeto mong itrato ako ng tama kasi alam mong babalik at balalik ako sayo, na sayo lang ako kahit anong mangyare, kasi nga βdi ba mahal kita sobra gaya ng lagi kong sinasabi sayo mula noon. dahil don nakalimutan mong pahalagahan nararamdaman ko. pag naiisip ko yung mga bagay na nag rarason ka kung bakit mo yun nagawa, nagagalit ako sayo lalo na sa sarili ko. hinayaan kitang saktan mo ko ng ganon ganon lang, paulit ulit kitang pinatawad, pinaniwalaan na magbabago ka. hindi ako sumuko sayo nung mga oras na yun kasi alam kong kayang kaya mong magbago para sa sarili mo at para sa ikakabuti ng relasyon naten non pero putangina maling mali ako sa parteng yon na naniwala ako sayo ng sobra. napunta sa pang babalewala mo. don ko nakita kung paano mo ko tratuhin na parang basura, na parang ako yung kaaway mo sa relasyon natin. kitang kita ko sa mga mata mo na nawawalan ka ng pagmamahal nung mga araw na nagloloko ka saken. kaya hindi ako naniniwala na dahil sa takot mo na magkakalayo at mawawala ako sayo kung bakit mo nagawa yon? nah, hindi dahil talaga yon don, dahil nagpadala ka sa tukso at kung pano rin nabuo yung pagkakaibigan niyo ni vonn eh dun nagsimula ang lahat kaya napagtanto ka na hindi mong makakayanan na mag stay sa buhay ko kahit magkalapit pa tayong dalawa kasi alam kong mabilis ka madala sa mga ganung bagay. nakaka-trauma pa rin yung ginawa mo, kung ano yung kinakatakutan ko, ayun yung bagay na sobrang galing mong nagawa na saktan ako. kaya hindi na ko maniniwala sa mga sasabihin mo kasi sobrang galing mong magsinungaling, too bad mas magaling ako manghuli at makiramdam sa pagsisinungaling mo. tangina ang sakit pa rin isipin kung pano mo ko trinato nung mga araw na yon, magkasama tayong dalawa pero ramdam ko yung pag-iisa. puta ang sakit sakit lang isipin na hindi ko kayang gawin yon sayo, na ipagpalit ka sa kahit na sino, kasi alam kong ikaw yung gusto kong makasama sa kahit anumang mangyare saken. siguro nga masasabi kong mas marupok ka kaysa saken. pero alam nating dalawa na sayo lang ako nagiging marupok. pero hiling ko lang eh sana wag ka na magloko sa bago mo at sa mga magiging future jowa mo. sana wag mo nang ibigay sakanila yung sakit na binigay saken ng ganong pang gagago kasi kahit na sino hindi deserve maranasan yon. isipin mo man na may makakapagpabago sayo na hindi ka na magloloko eh sayo pa rin magsisimula yan kung gugustuhin mong baguhin :)
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
ahhhh pota lagi kita naaalala sa lahat ng bagay. bat sobrang na-attach ako sayo fuckkk, ughhh i hate this feeling. sana ang dali lang makalimot pero pota im a keeper pero bat ganito, ikaw yung taong gustong gusto kong tumagal sa buhay ko. fucckkiinggg uncertainties, i hate it. i know naman na okay ka lang at ramdam kong masaya ka naman na sa kung ano man yung sitwasyon mo ngayon kaya goods yan. wish ko lang talaga mag grow ka ng ikaw lang at wag ka sanang mag depende sa mga sasabihin sayo sa paligid mo kasi kilala kitang mabilis ka maipluwensya ? aaaaahhhhhh tangina pero i fucking miss you, miss ko lahat ng nakakairitang ginagawa mo especially yang pag papa-cute mo tf. at naiintindihan ko na rin kung bakit sobrang nalungkot at nahirapan ako nung hindi na tayo magkasama, pota may sepanx ako fuck that shit man. maybe someday mae-explain ko sayo yung mga ganitong bagay kapag ready ka na at nasa tamang panahon din na makakapag-usap na tayo ng seryoso. tangina i fucking miss u talaga, nahihirapan ako mag move on kahit gustong gusto ko kasi alam kong may bago ka na eh, don pa lang tanggap ko talaga na ikaw una saten nakakahanap kagad, honestly ni-let go ko na rin talaga yung thought na hindi na tayo magkakabalikan kasi sobrang labo na rin talaga lalo na ang dami kong na realized sa relasyon naten pero hopefully mag grow ka sana talaga kasi para sayo rin yan.
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
u were like a drug that gave me constant hangover that could never be cured bcos of my own love ):
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
dami kong gustong sabihin sayo sa personal pero hanggang dito na lang muna, dito ko na lang muna sasabihin lahat ng saloobin ko hahaha pota. tbh ready ako akuin lahat ng mga nagawa kong mali, i know may times na sobrang dudang duda rin talaga ko sayo nung tayo pa kaya e-explain ko talaga lahat sayo kung mabibigyan man ng chance na makapag-usap kapag nagkita tayo. ang dami kong kailangan ding linawin sayo kung bakit naging ganon ako sayo and i have so many reasons whyyyy i did that fuck. ngayon dito na lang muna ko mag ra-rant tsaka malabo ring mahanap mo βtong site knowing na hindi ka pala explore ng mga ganitong bagay so i know im safe hahahahahahaha taena sana nga
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
i hate that every song reminds me of u
β ?.?.
p.s ang hirap pag nawala lahat pati ka-music buddy nawala rin ):
From: ABC
To: eiea
may piraso
may katiting
may maliit
na bahaging
hindi makalimot
hinahanap ka
sa bawat sulok
hindi ako
pinapatulog
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
tangina miss ko na bestfriend ko, miss na miss na kita. ikaw yung lagi kong gustong gusto pagkwentuhan ng mga bagay na nangyayare sa buong araw ko kahit mapa-nonsense man o hindi. sadly, iba na yung gusto mong pagkwentuhan ngayon, iba na rin yung gusto mong pakinggan ng mga kwento. tbh nung tayo pa last august, ramdam kong hindi ka na nagkekwento ng mga nangyayare sayo non. kilala kita eh, mahilig ka magkwento. madaldal kang tao kahit sobrang liit na bagay kinukwento mo pero yung mga oras na yon, nakita ko na yung bespren ko hindi na ko yung gustong pagkwentuhan. tangina kaya hirap ako mag move on kasi ikaw lang din yung taong napagsasabihan ko ng lahat ng bagay pero dahil sa nangyare saten, natutunan ko ng mapag-isa. sarili mo lang din naman talaga maaasahan mo sa lahat ng bagay βdi ba? pero ngayon alam ko naman na nasa okay kang lagay
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
kada may bagong kanta akong pinapakinggan, ikaw kagad yung naiisip ko. kasi ikaw lang din naman yung naging ka-vibes ko sa music. at alam mo rin yon, kung paano tayo naging magkasundo sa mga pinapakinggan naten.
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
pamilyar itong lamigβ
parang naglahong
kilig at pagkasabik,
katulad ng pag-ibig
na hindi mo naibalik,
parang ikaw at ako
na hindi kayang ipilit
β ?.?.
From: ABC
To: eiea
lagi kong pinapakinggan/ginawa mga gusto mo, na dumating sa punto na hindi mo na napakinggan mga gusto ko
β ?.?.