tangina miss ko na bestfriend ko, miss na miss na kita. ikaw yung lagi kong gustong gusto pagkwentuhan ng mga bagay na nangyayare sa buong araw ko kahit mapa-nonsense man o hindi. sadly, iba na yung gusto mong pagkwentuhan ngayon, iba na rin yung gusto mong pakinggan ng mga kwento. tbh nung tayo pa last august, ramdam kong hindi ka na nagkekwento ng mga nangyayare sayo non. kilala kita eh, mahilig ka magkwento. madaldal kang tao kahit sobrang liit na bagay kinukwento mo pero yung mga oras na yon, nakita ko na yung bespren ko hindi na ko yung gustong pagkwentuhan. tangina kaya hirap ako mag move on kasi ikaw lang din yung taong napagsasabihan ko ng lahat ng bagay pero dahil sa nangyare saten, natutunan ko ng mapag-isa. sarili mo lang din naman talaga maaasahan mo sa lahat ng bagay ‘di ba? pero ngayon alam ko naman na nasa okay kang lagay
— ?.?.