From: ABC
To: eiea
Date: January 11, 2021, 7:49 am
tangina ikaw pa rin talaga yung mahal ko. kada may mga bagay na makakapag-alala saken about sayo, ramdam ko yung sakit. alam mo at alam nating dalawa kung ano sa feeling yun ‘di ba? yung mararamdaman mong may paghigpit sa puso mo ganon. at may mga bagay pa rin na hindi ko sayo nasabi habang tayo pa, hindi pa rin ako okay at totally healed sa mga times na niloko mo ko. alam naten na mali yung ginawa mo pero ngayon na alam ko na rin kung bakit mo naiisip na may rason naman kung bakit mo nagawa yun at okay lang din para sayo eh dahil din saken, tinolerate kita sa gawain mong yun. hindi sa way na panloloko mo kundi sa way na tinanggap nang tinanggap pa rin kita sakabila ng lahat kahit ikakasira ng sarili ko. mas pinili kong mahalin ka kaysa piliin na mahalin yung sarili ko. kaya dahil don at naintindihan ko na talagang nawala respeto mong itrato ako ng tama kasi alam mong babalik at balalik ako sayo, na sayo lang ako kahit anong mangyare, kasi nga ‘di ba mahal kita sobra gaya ng lagi kong sinasabi sayo mula noon. dahil don nakalimutan mong pahalagahan nararamdaman ko. pag naiisip ko yung mga bagay na nag rarason ka kung bakit mo yun nagawa, nagagalit ako sayo lalo na sa sarili ko. hinayaan kitang saktan mo ko ng ganon ganon lang, paulit ulit kitang pinatawad, pinaniwalaan na magbabago ka. hindi ako sumuko sayo nung mga oras na yun kasi alam kong kayang kaya mong magbago para sa sarili mo at para sa ikakabuti ng relasyon naten non pero putangina maling mali ako sa parteng yon na naniwala ako sayo ng sobra. napunta sa pang babalewala mo. don ko nakita kung paano mo ko tratuhin na parang basura, na parang ako yung kaaway mo sa relasyon natin. kitang kita ko sa mga mata mo na nawawalan ka ng pagmamahal nung mga araw na nagloloko ka saken. kaya hindi ako naniniwala na dahil sa takot mo na magkakalayo at mawawala ako sayo kung bakit mo nagawa yon? nah, hindi dahil talaga yon don, dahil nagpadala ka sa tukso at kung pano rin nabuo yung pagkakaibigan niyo ni vonn eh dun nagsimula ang lahat kaya napagtanto ka na hindi mong makakayanan na mag stay sa buhay ko kahit magkalapit pa tayong dalawa kasi alam kong mabilis ka madala sa mga ganung bagay. nakaka-trauma pa rin yung ginawa mo, kung ano yung kinakatakutan ko, ayun yung bagay na sobrang galing mong nagawa na saktan ako. kaya hindi na ko maniniwala sa mga sasabihin mo kasi sobrang galing mong magsinungaling, too bad mas magaling ako manghuli at makiramdam sa pagsisinungaling mo. tangina ang sakit pa rin isipin kung pano mo ko trinato nung mga araw na yon, magkasama tayong dalawa pero ramdam ko yung pag-iisa. puta ang sakit sakit lang isipin na hindi ko kayang gawin yon sayo, na ipagpalit ka sa kahit na sino, kasi alam kong ikaw yung gusto kong makasama sa kahit anumang mangyare saken. siguro nga masasabi kong mas marupok ka kaysa saken. pero alam nating dalawa na sayo lang ako nagiging marupok. pero hiling ko lang eh sana wag ka na magloko sa bago mo at sa mga magiging future jowa mo. sana wag mo nang ibigay sakanila yung sakit na binigay saken ng ganong pang gagago kasi kahit na sino hindi deserve maranasan yon. isipin mo man na may makakapagpabago sayo na hindi ka na magloloko eh sayo pa rin magsisimula yan kung gugustuhin mong baguhin :)
— ?.?.