Unsent Messages

Masakit pre, nung tinarato kita na parang kapatid ko kaysa sa totoong kong kapatid. Napalapit ka sa puso ko, pero sinaktan mo ako nung pinili mong umalis dahil 'kaibigan mo akong babae, masama sa paningin ng iba.' ganun ba talaga? edi sana hindi ikaw ang lumapit. edi sana di ka nagpakilala saken. masaket dahil sa pagiging babae ko, di na ako pwedeng maging kaibigan sa iba. akala ko ba matalino ka? naiintindihan kita at kung bakit mo yon nagawa, pero mas takot ka sa iniisip ng iba kaysa ipaglaban friendship natin. di mo alam na grabe ang sakit na pinaranas mo sakin. di ko sinabi kase ayaw ko na masaktan ka, pero di ibig sabihin na ok lang ako. sana di na tayo magkita. kung mangyare man, di na kita kilala.

View all message unsent to Haruto Copy Link