From: ABC
To: Athena
Date: November 18, 2020, 12:04 pm
Sorry dahil niloko at sinaktan kita. Pinili kong lumandi sa taong mas malapit saakin. Sobrang laki ng pagkakamaling yun. Isang taon na ang nakakaraan at ang sakit sakit padin isipin na nawala ng lahat saakin dahil sa isang desisyon na sobrang pinagsisisihan ko. Pasensya na at sinira ko ang napaka genuine mong puso. Pasensya dahil hindi ko nagawang maging loyal at faithful sa relasyon na meron tayo noon. Pasensya dahil pinaramdam ko sayo ang pinaka ayaw mong mangyari. Pasensya, alam kong hindi mababalik at mapapagaling ng 'pasensya' ang sugat na nagawa ko sa puso mo. Minahal kita ng lubusan pero ako ay hindi naging kuntento. Hindi ko nakita ang pagmamahal na binigay mo saakin ng lubusan. Pasensya. Pinagsisisihan ko lahat. Masakit. Salamat sa aral na binigay mo saakin. Salamat dahil sa susunod na relasyon na maibibigay saakin ng tadhana, alam ko na pahalagahan at ingatan ang puso ng taong yun. Bilang unang mahal mo, pasensya dahil sinira ko ang puso mo. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko at pangako, hinding hindi ko na gagawin ang sakit na nagawa ko sayo sa kahit sino. Mahal, pasensya sa lahat. Naging bulag ako sa lahat ng binigay mo. Pasensya.