Wala, naalala lang kita siguro namiss narin kaya ako nagsusulat ngayon. Akala ko nga okay na ko e, akala ko lang pala pero unti unti natututo akong bumangon. Ngayon, kaya ko nang pakinggan yung mga kantang pinapakinggan ko habang tayo pa, kaya ko nang pakinggan nang hindi ka naalala ngunit ewan ko kung anong nangyari sakin ngayon haha!. Sana ok ka diyan at kung may bago ka man sana mas mahalin ka ng babaeng yon higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo. Nandito lang ako palagi kahit wala na tayo. Mag reach out ka naman sakin kung may oras ka, gusto lang kitang kamustahin.
Again, Ikaw parin sa lumang ako.